Country | |
Publisher | |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2021 |
Bib. Info | 60p. |
Categories | History |
Product Weight | 126 gms. |
Shipping Charges(USD) |
Ang buhay in Emilio Jacinto ay napaka-ikli (15 Disyembre 1875-16 Abril 1899).Gayunpaman, hitik ito ng mga mahahalagang nagawa niya para sa himagsikan at kasaysayan ng Pilipinas. Buong-puso niyang inihandog ang lahat ng kanyang kagalingan at mismong buhay para sa lupang tinubuan.Tila yumabong na isang malaking puno ang buhay ni Emilio Jacinto nang siya ay sumapi sa KATIPUNAN. Lumabas ang lahat ng nakatagong kakayahan at talino ng batang si Emilio sa maagang bahagi pa lang ng pagsapi niya sa KATIPUNAN. Mayaman ang naging ambag niya sa pagsisinop at kasiglahan ng kanyang pamamalakad bilang Pangkalahatang Kalihim ng KATIPUNAN.Halos hindi sila magkahiwalay ng damdamin at sigasig ni Supremo Andres Bonifacio at buong galang niya itong pinaglingkuran sa pamamagitan ng kanyang mga mabubungang mga mungkahing ideya at plano.Ang buhay ni Emilio Jacinto, sampu ng kanyang mga sulatin sa maraming usaping panlipunan, ay napakayaman at may malayong tanaw.