focus in
# 856456
USD 25.00 (Book Not in Ready Stock, will take 45-60 days to source and dispatch)
- +

Boarding House

Author :  Jaileen F. Jimeno

Product Details

Country
Philippines
Publisher
University of Santo Tomas Publishing House, Philippines
ISBN 9789715069175
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2023
Bib. Info xii, 192p.
Categories Literature
Product Weight 250 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Ito ay naglalaman ng mga eksenang nagaganap sa mga paupahang bedspace, kuwarto, studio, apartment, at condo. Ang bawat taong sentro ng kuwento ay halaw sa pinagsama-samang karakter na nakilala at nakasama ng sumulat. Narito rin ang ilang personal na kuwento ng may-akda bilang isang batang nakitira at nanilbihan sa mahabang listahan ng mga kamag-anak at kakilala. Ang Boarding House ni Jaileen Jimeno ay hindi temporal na estasyon ng mga panandaliang-pagtira, tulog, kain, bisyo, at libog. Lunan itong nanahan sa kanyang pagkatao na may tagal nang pananatili at habambuhay na pag-iral sa kanyang kalooban at mga pagpapakahulugan sa buhay. Materyal ang koleksiyon ng mga personal na sanaysay na ito ni Jimeno para ituon ang ating mga pansin sa dalawang lakas ng naturang genre: Ang head-on collision at confrontation sa mga pagkakasala, kahinaan, kapalpakan, at pagkasubsob sa buhay na hindi maiiwasang ikumpisal ng gunita subalit mas nagpabangon sa manunulat—dahil hindi naman siya nagwala, nawala, at napariwara bilang tao; at ang pagbuo sa naratibo ng sariling buhay na hindi hiwalay sa mga buhay ng mga taong nakasama sa bawat personal na karanasang itinatanghal. Hindi madaldal ang naratibo ni Jimeno pero marami itong sinasabi at marami pa itong nais sabihin. Tiyak na matapos nating mabasa ang buong koleksiyon, itong “marami pang nais sabihin” ay iaatang natin sa ating mga sarili bilang pag-angkin natin sa bawat kuwento, sa bawat karanasan, sa lahat ng makikilala nating pagpapakahulugan. - Ferdinand Pisigan Jarin

Content Details

1. Short stories, Philippine (Filipino)

Product added to Cart
Copied