focus in
# 859859
USD 20.00 (Book Not in Ready Stock, will take 45-60 days to source and dispatch)
- +

Mula Ilog at Iba Pang Kuwento | Alum Goli Ta Abi Gnap Otnewuk

Author :  Romula P. Baquiran Jr. & Olumor P. Nariuqab Rj.

Product Details

Country
Philippines
Publisher
University of The Philippines Press, Philippines
ISBN 9786210900088
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2023
Bib. Info xiv, 158p. ; 23cm.
Categories Literature
Product Weight 300 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Sa koleksiyon ng mga kuwento, dinala tayo ni Baquiran mula sa nakaraan (panahon ng Hapon) hanggang sa kasalukuyan (pandemya) kasama ng mga lugar, tauhan at kuwentong dati na nating alam ngunit ngayon, muli nating inaalam. Nanariwa ang mga sugat na hatid ng mga pangyayari sa buhay ng mga tauhan (na karaniwang tao) na biktima ng mga sitwasyong patuloy na lumalaban at mahigpit na nangungunyapit kahit sa huling hibla ng pag-asa.
–EROS SANCHEZ ATALIA - Kuwentista
***
Madaya kung basahin ang mga kuwento ni Baquiran. Sa payak at simpleng estilo, mababanaag agad sa umpisa kung ano ang paksa at daluyong ng kanyang naratibo: batang kaibigang nalunod sa “Mula Ilog,” istokwa na nakipagsapalaran sa Maynila sa “Bigas,” o isang ketongin sa “Manhid.” Ngunit sa malaong pagbabasa, mapagtatantong hindi lang pala ito umiikot sa inaasahang kuwento.
Mayaman at malawak ang pinapaksa ng mga kuwento–mula sa panahong nanakop ang mga Hapon hanggang sa kasalukuyang hinahagupit ang bayan ng matinding mga sakuna at pandemya. Ngunit kayang-kaya niyang balansehin ang pagsasalikop ng mababaw at malalim na tema sa mga kuwento. Isa itong katangian ng magaling na kuwentista. Oo, madaya ang mga kuwento ni Baquiran. Dahil madaya siya magkuwento. Ngunit kalimitan, kailangang madaig ng daya ang sarili upang mapukaw at mahulo ang katotohanan.
–JOHN JACK G. WIGLEY - Guro at Manunulat

Product added to Cart
Copied