Country | |
Publisher | |
ISBN | 9786210900200 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2023 |
Bib. Info | L, 158p. |
Categories | Literature |
Product Weight | 350 gms. |
Shipping Charges(USD) |
Sa pagkalap, pagsasalin, at ngayon ay paglalathala ng mga katutubong awit ng tatlong etnolingguwistikong pangkat ng Romblon, talagang nagtagumpay si Sherwin Magracia Montesa Perlas na maipakilala sa labas ng kaniyang mahal na isla ang oral na tradisyon ng kaniyang bayan. Mangyari’y higit na nakatampok ang pansin sa mga pangunahing wika ang larang ng panitikan sa kasalukuyan at nakakubli ang mga wikang gaya ng Asi, Onhan, at Ini. Matiyagang kinolekta ng iskolar mula sa taumbayang nagtataglay ng yamang pampanitikan, ang ngayon lamang matutunghayan na mga awiting bayan. Mapaghawan ang librong ito sapagkat lumilipat ang tradisyon mula sa pabigkas at paawit patungo sa nakalimbag na inaasahang bubuhay ng pagtataguyod mula sa bagong mambabasa. Isang mapagkukunan ng materyal para sa araling nagpapahalaga sa literaturang bahagi ng pambansang kultura. —Romulo P. Baquiran Jr. Guro at manunulat Isang monumental na pagpapakilala at pagpapatunay ang proyektong ito ni Sherwin M. Perlas sa yamang wika at haraya ng Romblon. Sa piniling paraan niya ng pagsasalin sa Filipino ng mga katutubong awit mula sa tatlong etnolingguwistikong pangkat—Asi, Onhan, at Ini—lalo pang matutuklasan natin ang lawak at lalim ng ating mga katutubo’t pambansang sarili. Sa gayon, sadyang hindi usok lamang ang mga bagay-bagay sa sanlibutan. Ang naglahong pag-ibig at gandang pumait ay paulit-ulit na maaawit sa laging nakalaan at naghihintay na dibdib. —Michael M. Coroza Propesor, Kagawaran ng Filipino Pamantasang Ateneo de Manila Mahalagang ambag sa larang ng pagsasalin at kultural na pag-aaral ang tinipong mga awit na ito ni Sherwin Perlas mula sa tatlong etnolingguwistikong pangkat ng Asi, Onhan, at Ini ng Romblon. Sa panahong hinahamon ang mga mamamayan ng himok o utos na ibigin ang lupang sinilangan, ang payak at tapat na katotohanan sa mga damdaming inihahayag ng mga katutubo ay nag-uugnay sa salimuot ng lungsod at teknolohiya sa mundo at panahong hindi pa rin ligtas sa sakit at pagkabigo, pangungulila, pananaghoy, o pag-aasam. Ang pagtunghay sa mga awit, ang pagbigkas sa salin, ang tahimik na pakikinig sa maiikling taludtod ay esensiyal na buntonghininga sa gitna ng iba’t ibang mukha ng pagtatalusira ng kapangyarihan laban sa walang kapangyarihan, ng mga lumilisan at nananatili sa lupang sinilangan at pinanahanan, ng mga sumusumpa ng walang maliw na pag-ibig—nakatingala sa mga bituin—at sumusumpa dahil hindi iyon maapuhap, may nakaligta, may hindi nakatupad ng sumpa. Sa aklat ay matutunghayan ang pagsasalin bilang paraan, proseso, pagpapasiya, pagtitimbang: May pinagmumulan ang mga imahen at salita, at may pinatutunguhan: maaaring dalawang punay sa bugnay, ahay, maaaring lumalabay na aso, maaaring ang sinisintang si Inday, maaaring kabuyong, maaaring higad na hindi gumagapang, maaaring bukid ngunit hindi patag. Ang ganitong pagsisikap ay di matatawarang bahagi ng kabuuan, sa tawag mang panitikang pambansa, o pambansang panitikan. May higit pa sa marmol na kayamanan ang Romblon, at ito ang kaniyang sa wakas ay nalathalang katutubong panitikan. —Rebecca T. Anonuevo Makata, guro, at kritiko
1. Folk songs, Romblomanon ? Translations into English. 2. Folk songs ? Philippines ? Romblon. 3. Romblon (Philippines: Province) ? History. 4. Romblon (Philippines: Province) ? Civilization.