focus in
# 867376
USD 30.00 (Book Not in Ready Stock, will take 45-60 days to source and dispatch)
- +

Turno Kong Nokturno: Mga Bago At Piling Tula

Author :  Lamberto E.Antonio

Product Details

Country
Philippines
Publisher
The University of the Philippines Press,Quezon City,Philippines
ISBN 9786210900279
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2023
Bib. Info xviii, 214p. ; 23cm.
Categories Literature
Product Weight 355 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Marami sa mga tula sa Turno Kong Nokturno, lalo na sa seksiyong “Turno,” ang may tuwirang personal na nilay at malalim na introspeksiyon. Walang hanggan ang magdamag ng makata at malawak ang kaniyang lakbay at pinagdaanan sa buhay na itinanghal sa marubdob na pagsasanib ng lungkot at pag-asa. Malawak ang uniberso sa seksiyong “Mga Piling Tula” na nagtatampok ng halos buong saklaw ng pag-akda ng makata. Malapit sa realismo ang pananaludtod ngunit ang sinematikong naratibo ang nagpapatangi sa mga ito. Tila katalogo ang buong aklat ng mga gunitang may poetika ng iba’t ibang uri ng disintegrasyon, pagkawasak, at pagkaligaw ngunit may mumunting bitak na pinaglalagusan ng samot-saring ningning, anuman ang pinanggalingan. Hindi kalabisan na sabihing si Lamberto E. Antonio ay isa sa pinakamahuhusay na makata sa bansa simula noong dekada sitenta at ang kaniyang koleksiyon na Hagkis ng Talahib na nailathala noong 1980 ay may malaking impluwensiya sa mga sumunod na henerasyon ng makata. Niles Jordan Breis Nobelista Pinatutunayan ng bagong kalipunan na ito na ang uniberso ng pananaludtod ng may-akda ay nag-ugat sa kapangyarihan ng wika bilang bukal ng lahat ng posibilidad sa/ng tula. Instrumento ang bawat salita ng pagkakaugnay-ugnay, deretsahan man o mas introspektibo, ng dinamismo ng poetikong bisyon ni Antonio.

Content Details

1. Filipino poetry. 2. Poetry, Modern-20th century.

Product added to Cart
Copied