Country | |
Publisher | |
ISBN | 9786218356016 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2023 |
Bib. Info | 68p. |
Categories | Literature |
Product Weight | 100 gms. |
Shipping Charges(USD) |
“Ang totoo, mahal kita / sa paraang pati ako’y natatakot.” Subalit kapag naikumpisal na ang pinakatapat bilang pinakalantay, ano nga ba ang maaaring kasunod pa? Ang inihahain ng aklat na ito ay isang pagbiyak sa kinagisnang mundo, na pagbabago sa lahat ng bagay Antipolo: ang mga kawad ay nagiging buhok, na nagiging landas patungong dibdib, kung saan ang madaratnan marahil ay isang makopa sa halip na puso. Kung kaya sabihin mang mananatiling “sa Antipolo pa rin ang Antipolo... [at] habang buhay na tayo nandito,” ano ang maipangangamba sa makatang tulad ni Abner Dormiendo, na nakaaalam sa hiwagang maidudulot ng tula: “Kung ang mundo ay Antipolo, / gumawa ng bagong Antipolo.” Sa gayon, sampu ng kasukalan dito, maaari din lamang muling “may panibagong punong tumayog sa siyudad ng iyong puso, at kung aakyatin mo ito, tanaw mo ang isang mundong ngayon mo lang nakita.” Sa mga tula ni Dormiendo, habambuhay nang panibago ang mundo. - Christian Jil Benitez
1. Filipino poetry. 2. Antipolo (Philippines) ? Social life and customs. 3. Antipolo (Philippines) ? Social conditions.