Country | |
Publisher | |
ISBN | 9786219679831 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2023 |
Bib. Info | xiv, 102p. |
Categories | Literature |
Product Weight | 150 gms. |
Shipping Charges(USD) |
“Ang panitikan, pagkatapos na ideklara ang Martial Law ay naging panitikan na lamang ng langkay ng mga elitista, ng mga kritiko-makata at manunulat. Inalis na ito sa puso ng madla! Sila-sila na lamang ang bumabasa at nakakaunawa ng kani-kanilang mga obra. Sila-sila ang pumupuri. Sila-sila ang nagdidikta na ito ang maganda, na ito na ang panitikan ng bagong panahon kaya ito ang dapat na isulat at basahin! Ipagpaumanhin, ang maliit na grupong ito ng mga elitistang kritiko-makata-manunulat na ang iba ay nagtayo ng mga kampo sa kani-kanilang akademya, ay gumawa ng ‘bagong pagpapahalaga at estetika.’ Winasak nila ang panitikan sa ikauunlad ng sambayanan na naitatag ng mga makata at manunulat bago ideklara ang Martial Law. May dalawang kabataan, na marahil ay kabilang sa iilan, ang humiwalay ng lipad sa langkay ng mga loro, martines, at adarna. At ang paghiwalay na ito nina Abiva at Talusan ay isang kapangahasan at subersiyon ng pagsuway sa dikta ng mga elitistang kritiko-makata-manunulat. Sa kanilang katipunan ng mga akda, sina Abiva at Talusan ay hindi na lamang basta adipen, sila ang tagapagpalaya ng mga adipen, at ang panitikan nila ang kanilang sandata sa pagpapalaya.”