Country | |
Publisher | |
ISBN | 9789715069298 |
Format | PaperBack |
Language | Filipino |
Year of Publication | 2023 |
Bib. Info | xii, 116p. ; 23cm |
Categories | Literature |
Product Weight | 200 gms. |
Shipping Charges(USD) |
Sa koleksiyong Kondenado ni Paul Alcoseba Castillo magkatuwang ang mga litrato at teksto sa pagsasalarawan ng mga danas at damdamin ng pagkakapiit sa gitna ng tila walang hanggang kuwarantena, kung paano tayo naikuwadro ng mga panlipunang puwersa sa mga kongkretong dingding ng lungsod na hindi matinag-tinag. Sa pagsasalitan ng mga larawan at tula, naipadanas ng potograpong makata ang ritmo ng araw-araw na pagdungaw-na-walang-salita sa mundo sa labas ng bintana upang makaharap ang mga katulad na bintana na blangkong nakatanaw rin palabas at ang pagsisikap na magpakahulugan sa loob ng limitadong espasyong kinalalagyan. Tila kaylayo ng pagtanaw ng ikatlong panauhan ng mga tula ngunit kaylapit din dahil sa pagkilala, sa kabila ng agwat, ng mga kapwa/kasama sa kolektibong danas. May pagpapakumbaba ang kabatirang inihahatid ng mga tula sa mambabasa na tila sapat lang upang may maitawid na kahulugan o ideya ng pag-asa, gaano man kaliit, sa kasunod na taludtod o araw. Ano nga ba ang sining kundi ang paglikha ng mga silid sa loob ng silid, ng mga lagusan sa loob ng wika ng diwang nagnanais lagpasan at baguhin ang mga itinakdang kuwadro. Ito para sa akin ang nagawa ng mga tula ni Castillo, lalo na ang sunurang “Para Nang sa Langit,” isang atubiling paghakbang sa hatinggabi ng aklat na yumanig sa matatalas na pader ng ating pagkakawalay sa isa’t isa.
1. Philippine poetry. (Filipino) 2. Filipino poetry.