focus in
# 871398
USD 30.00 (Book in Stock, will be dispatched ASAP)
- +

Binhi ng Paglaya

Author :  Amanda Socorro Lacaba Echanis

Product Details

Country
Philippines
Publisher
Gantala Press, Philippines
ISBN 9786219651394
Format PaperBack
Language Filipino
Year of Publication 2023
Bib. Info 176p.
Categories Performing Arts
Product Weight 250 gms.
Shipping Charges(USD)

Product Description

Si Amanda ay manunulat, manggagawang pangkultura, at organisador para sa Amihan National Federation of Peasant Women. Noong Disyembre 2020, inaresto siya sa gawa-gawang kaso at kasalukuyan siyang bilanggong pulitikal sa Cagayan Valley. Siya ay iskolar ng Malikhaing Pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Bilang mag-aaral ng Creative Writing sa Philippine High School for the Arts, nailathala ang kanyang unang libro na may pamagat na Tatlong Paslit na Alaala noong 2006. Pagtuntong sa kolehiyo, pinili niyang maging organisador at manggagawang pangkultura sa sektor ng maralitang taga-lungsod. Dito, nag-organisa siya ng mga palihan at pagtatanghal ng mga kabataan sa mga komunidad kasama ang Sining Kadamay o SIKAD. Noong 2014 at 2015, itinanghal ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY ang isinulat niyang dula na Nanay Mameng. Naging project coordinator din siya ng Cinemaralita: A Film Festival About the Philippine Urban Poor. Ang ilan sa kanyang mga tula, sanaysay, at liham ay mababasa sa Umani: mga likhang sining ng buhay at pakikibaka ng magsasaka para sa lupa at kalayaan (2004), Panata sa Paglaya: Mga tula ni Ka Randy Echanis, kapamilya at mga tagasuporta (2009), Saloobin: mga akda ng/para sa kababaihang bilanggong pulitikal (2021), at Sulatan sa panahon ng pandemya (2022). Ang Binhi ng Paglaya ay tinipon niyang mga tula, kuwento, sanaysay, liham, at dula. Lahat ng pagbebentahan ay ibibigay sa Free Amanda Echanis Movement.

Product added to Cart
Copied